KARPENTERO BIKTIMA NG TANGKANG PAMAMARIL SA STA ELENA CAM NORTE!

temp608

Pebrero 23, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte – Isang insidente ng tangkang pamamaril ang naitala sa Purok 3, Brgy. Rizal, bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Restituto Oja y Ribaya, 49, may asawa, dating army reservist, tubong Pili, Camarines Sur at kasalukuyang naninirahan sa barangay kung saan nangyari ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon ng Sta. Elena Municipal Police Station (MPS), isiniwalat ng biktima na si Rolando Mira y Marigodon, 49 anyos, may kinakasama at karpentero na residente din ng parehong barangay na bandang 5:00 ng hapon kamakalawa, Pebrero 21, 2017, habang nag aayos ito nang bahay ni Oja, bigla umanong dumating ang suspek at akma siya nitong babarilin subalit hindi pumutok ang armas.

Agad naman umanong tumakbo ang biktima sa Barangay Hall ng nasambit na barangay at inireport ang pangyayari kay Brgy. Captain Roberto Tierra.

Inaresto ang suspek ng mga rumispondeng kapulisan at nakumpiska dito ang isang (1) kalibre 45 pistol Armscor, dalawang (2) magazine na ang bawat isa ay naglalaman ng pitong (7)  bala, at anim (6) pang bala na nasa loob ng maliit na itim na bag na pag aari nito.


Napag alamang ang motibo ng insidente ay dahil sa umano’y hindi pagkakaintindihan ng biktima at ng asawa ng suspek.

Nasa kustodiya na ng Sta. Elena MPS ang mga narekober na armas at nakatakdang i-turn over sa PNP Crime Laboratory Office para sa kaukulang ballistic examination.

Sinampahan na kahapon, Pebrero 22, 2017 ng kasong Attempted Murder at Violation of Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) sa ilalim NPS-V-09-INQ-17B-02689 and NPS-V-09-INQ-17B-02690 na may karampatang piyansa na Php 120,000.00 para sa Attempted Murder at  Php 200,000.00 naman sa Violation of Republic Act 10591 ang suspek. Ang nasambit na kaso ay inihain sa Provicial Prosecutors Office  sa pangangasiwa ni Hon. Roselle I. Asis-NapolesAssociate ProvincialProsecutor.

Kasalukuyan ng nasa kustudiya ng Sta. Elena MPS ang suspek habang wala pang ibinababang commitment order para sa naturang kaso.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *