Pebrero 27, 2017, Labo, Camarines Norte – Nagkasagian at nagkasalpukan ang isang pampasaherong tricycle at isang hauler sa Sitio Sta. Ana, Brgy. Masalong, bayan ng Labo, Camarines Norte.
Base sa imbestigasyon ng Labo MPS, bandang 10:45 ng umaga kahapon Pebrero 26, 2017 sa nasambit na barangay naganap ang aksidenteng kinasangkatuan ng isang tricycle na may Body no. 1314 at isang hauler na may buradong plate number.
Ayon sa mga nakasaksi, parehong direksyon ang tinatahak ng dalawang sasakyan, subalit kapwa mabilis ang pagpapatakbo ng mga ito at sa di inaasahang pangyayari bigla na lang umanong kumanan ang driver ng tricycle at di napansin ng kasunod na hauler na siyang dahilan ng aksidente.
Kapwa sugatan ang dalawang driver at mabilis namang isinugod sa Talobatib District Hospital sa bayan ng Labo ang batang sakay ng hauler.
Inaalam pa ng PNP-Labo kung sino sa dalawang driver ang papanagutin sa naturang aksidente.
Hindi na nakuha ng news team ang pangalan ng mga biktima.
Orlando Encinares
Camarines Norte News
Photos courtesy of Mark Salen and KB-Labo

