PAMPASAHERONG BUS, BUMANGGA SA RAILINGS NG KALSADA AT MUNTIK NG MAHULOG SA BANGIN SA TIGAON CAM SUR!

tigaon6081

Pebrero 28, 2017, Tigaon, Camarines Sur – Nawalan ng kontrol ang manibela ng isang bus dahilan para bumangga ito sa isang road railing sa boundary ng Brgy. Panagan at Salvacion sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur.

Humigit kumulang 7:00 ng umaga kanina ng maganap ang nasabing aksidente ng pampasaherong bus na may plakang EVT 639  at minamaneho ng driver na si Aristo Nipa Casaul, 62 anyos at residente ng nasabing bayan.

Biglang ahon, matarik at matulis na  pababang daan ang itinuturong dahilan ng kawalan ng kontrol sa manibela ng nasambit na driver.

Nakaumang na sa napakalalim na bangin ang halos kalahati ng unahan ng bus na sa kabutihang palad ay sumabit sa road railing sa nasabing lugar dahilan upang di ito tuluyang mahulog sa bangin.

tigaon3
tigaon2

Nagdulot ito ng panic sa mga lulan nitong pasahero na nagkanya-kanyang talunan sa bintana na siyang dahilan ng malubhang injuries ng ilan sa mga ito.

Ayon sa mga residente ilang beses na ang mga aksidente sa naturang lugar dahil sa hindi magandang sitwasyon ng kalsada.

Nasa pangangalaga na ng Tigaon-PNP ang driver ng bus at nadala na rin ang mga sugatang pasahero sa pinakamalapit na ospital sa Naga City. Ang ilan naman ay umuwi na lang sa kani-kaniyang bahay at ang iba ay pinili na lamang pumasok sa kanilang trabaho matapos ang insidente.

Orlando Encinares

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *