Marso 3, 2017, Daet Camarines Norte – Nilooban ng hindi pa nakikilalang suspek ang bahay ng isang empleyado ng gobyerno sa bahay nito sa Purok 2, Sampaguita St., Brgy. Mancruz, Daet, Camarines Norte.
Ayon sa tala ng Daet Municipal Police Station (MPS), mula sa trabaho ay dumating umano sa bahay nito sa nasambit na barangay bandang 11:45 ng umaga nitong nakatalikod na Pebrero 28, 2017 ang biktimang si Rouel Mago Pajarillo, 58 anyos, may asawa at empleyado ng Camarines Norte Provincial Capitol at nadiskubreng nawawala ang ilang kagamitan sa loob nito.
Nakuha ng suspek ang isang 42 inches Sonny Bravia flat screen TV na nagkakahalagang Php. 35,000.00; isang Sonny Experia cell phone na nagkakahalagang Php. 10,000.00; isang relo na nagkakahalagang Php. 2,000.00; isang pares ng silver na hikaw na nagkakahalagang Php. 500.00; at isang itim na backpack na nagkakahalagang Php. 2,500.00.
Umaabot sa limampung libong piso (Php.50,000.00) ang kabuuang halaga ng mga gamit ang natangay ng suspek na umanoy tinanggal ang tatlong window grills sa kanang bahagi ng bahay upang makapasok sa loob.
Nagsasagawa na ang Daet MPS ng follow-up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan at paghuli sa suspek at pagsauli ng mga ninakaw na kagamitan.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

