MAGNANAKAW, NANLOOB SA WAREHOUSE NG MUNICIPAL ADMINISTRATOR NG BAYAN NG DAET; ISANG WELDING MACHINE TINANGAY!

RONS608

Marso 3, 2017, Daet, Camarines Norte –Ninakawan ang warehouse na pag aari  ng Municipal Administrator ng bayan ng Daet  sa San Vicente Road, Brgy. Lag on, Daet, Camarines Norte.

Base sa pag iimbestiga ng Daet Municipal Police Station (MPS), nang buksan umano ng biktimang si Dr. Ronaldo \

Paguirigan y Abordo, 37 anyos, may asawa at residente ng nasambit na barangay, may ari ng Ron’s animal clinic at kasalukuyang Municipal Administrator ng bayan ng Daet ang warehouse na pag aari nito sa parehong barangay kamakalawa, Marso 1, 2017, nadiskubre umano nitong pinasok ito ng hindi pa nakikilalang magnanakaw.

Sinira umano ng suspek ang isang bahagi ng gate ng warehouse na yari sa kawayan bandang 12:00 ng hatinggabi hanggang 8:00 ng umaga ng parehong araw at nakuha sa loob ng naturang warehouse ang isang kulay puting Jackson welding machine na nagkakahalaga ng labingdalawang libong piso (Php.12,000.00).

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek, gayundin ang pagbalik sa ninakaw na gamit sa biktima.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *