Marso 3, 2017, Labo, Camarines Norte – Huli ang mga dayuhang kawatan matapos ang mga itong magnakaw ng mga paninda sa LCC Super Market Labo Branch sa Brgy. Pinya, Labo, Camarines Norte.
Nangyari ang pagnanakaw 6:00 kagabi, Marso 2, 2017 sa nasambit na pamilihan. Kinilala ang mga salarin na sina Lester John Caro y Omila aka “Ter” 21 anyos, binata, walang trabaho at Maricel Vizarra Glindo , 34 anyos, may asawa. Kapwa residente ng 127 Zapote Street, Bagong Barrio, Caloocan City ang unang dalawang nabanggit, at Marites Barreno Camba, 43 Years old, may asawa, walang trabaho at residente ng 61 Zapote Bencer, Bagong Barrio, Caloocan City.
Ayon sa naging imbestigasyon ng PNP Labo, nahuli ang mga suspek na kumuha ng mga paninda na nagkakahalaga ng Php.7,083.00 sa kabuuan. Napag alamang hindi dumaan ang mga ito sa cashier dahilan para ito ay sitahin ng mga LCC guard.
Agad namang tumawag ng mga pulis ang mga security guard ng naturang pamilihan para madala ang mga ito sa istasyon ng pulis para sa kaukulang disposisyon.
Ayon sa panayam ng DWLB FM kay S/Insp. Elizaldy Calingacion hangang ngayon ay wala pang pumupunta sa kanilang tanggapan para magpiyansa sa mga kawatan.
Nagpaalala naman ang opisyal na maging maingat ang publiko at huwag basta makikipag usap sa mga hindi kilalang tao at lalo pang maging mapagmatyag. Ayon pa sa kanya, ipag bigay alam agad sa kanilang tanggapan ang mga ganitong problema upang agad maaksyunan at para mahuli ang mga gumagalang salarin lalo na sa bayan ng Labo lalo na kung may kaugnayan ito sa droga.
Ginagawa ngayon ng Labo Municipal Police Station ang mga pamamaraan para mahuli ang pinaka ugat ng mga pangyayaring ito.
News details courtesy of Dwlbfm Barkada

