Marso 4, 2017, Basud, Camarines Norte – Natagpuan ang bangkay ng isang di pa nakikilalang lalaki kahapon, Marso 3, 2017 bandang 11:45 ng umaga sa ilog sa ilalim ng Pinaguidanan Bridge sa Brgy. Tuaca, Basud, Camarines Norte.
Nasa pagitan ng 40-45 anyos ang nasabing lalaki at may taas na humigit kumulang 5’9in. May suot itong asul na jersey shorts at brown na t-shirt.
Nakatali ang mga mga kamay at paa nito gamit ang kulay puting electrical cord habang ang parehong hinlalaki naman ay nakatali gamit ang puting plastic strap. Nakabalot sa puting tela ang mukha nito at nakatali sa bibig ang isang panyo. May mga marka ito ng panlalaban sa leeg.
Wala pang pagkakakilanlan ang nasabing bangkay kaya’t nananawagan ang Basud MPS sa mga posibleng nakakakilala dito.
Camarines Norte News
Photos courtesy of Basud MPS

