ESTUDYANTE SA BAYAN NG LABO, NABIKTIMA NG BUDOL BUDOL!

labomap608

Marso 11, 2017, Labo, Camarines Norte – Isang dalagang estudyante ang nabiktima ng budol-budol sa Maharlika Highway, Brgy. Kalamunding, Labo, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Sunshine Kim de Leon y Camoñas, 18 anyos, dalaga, estudyante ng Camarines Norte College at residente ng Purok 5, Brgy. Macogon ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng Camarines Norte Police Provincial Office, bandang 12:30 ng hapon kamakalawa, Marso 9, 2017, matapos umaong mag claim ng pera ng biktima na nagkakahalagang Php 12, 500.00, nilapitan umano ito ng isang hindi pa nakikilalang lalaking suspek.

Aning biktima, humingi ng tulong ang suspek na makahanap ng marerentahang truck na paglilipatan umano ng mga pangarga nila sa dahilang nasira umano ang truck na minamaneho ng suspek.

Habang nag uusap umano ang supek at biktima, lumapit naman ang isa pang di kilalang lalaki na kasabwat ng una ng nasambit na suspek .

Hindi na umano namalayan ng biktima kung paano nakuha ang pera mula sa kanya at napansin na lamang nito na nawawala na ito ng tuluyan ng makaalis na ang mga suspek.

Nagsasagawa na ang Labo Municipal police Station ng  follow-up investigation para sa  posibleng pagkakakilanlan at ikadarakip ng mga suspek, gayundin ang pagbalik sa ninakaw na pera sa biktima.

Nagpaalala namang muli ang kapulisan na ugaliing mag ingat ng mga mamamayan at huwag basta makikipag usap sa mga taong hindi kilala.

Charlotte V. Marco

Camarine Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *