Marso 11, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Arestado ng personel ng Mercedes Municipal Police Station (MPS) ang ika-walo (8) sa listahan ng most wanted person ng Mercedes MPS.
Kinilala ang inarestong si Raymark Isidoro y Mangubat, 21 anyos, helper at residente ng Brgy. Hinampacan, Basud, Camarines Norte.
Bandang 7:45 ng umaga nitong nakatalikod na Marso 8, 2017 sa Stall number 42 ng Pasig Public Market sa Pasig City inaresto ang nasambit na suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Arniel A. Dating ng Regional Trial Court 5th Judicial Court, Branch 40, Barangay Camambugan, Daet, Camarines Norte.
Nahaharap sa kasong rape ang suspek kaugnay ng paglabag sa RA 7610 (Child Abuse Law) sa ilalim ng criminal case number 14257 .
Walang karampatang piyansa para sa nasambit na kaso at nahaharap ang suspek sa habambuhay na pagkakabilanggo.
Nasa kustodiya na ng Mercedes MPS si Isidoro para sa kaukulang aksyon sa nasabing kaso.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na ang suspek ay nananatiling inosente hangga’t hindi napatutunayan ng korte.

