Marso 12,207, CAMP ELIAS ANGELES,Pili,Camarines Sur – Patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng
rebeldeng News Peoples Army, (NPA) habang limang(5) na matataas na kalibre ng baril ang narekober matapos ang mainit na bakbakan ng mga sundalo ng 83rd Infantry Battalion sa Barangay Pinamihagan bayan ng Lagonoy lalawigan ng Camarines Sur kaninang alas 11:00 ng umaga Marso 12,207.
Sa report na ipinaabot ni Lt.Col Eduardo M.Monjardin Commander ng 83rd Infantry Battalion sa pamunuan ng 9th Infantry Division ilang mga concerned citizen sa lugar ang nagpaabot ng report hinggil sa presensya ng mga rebelde na di umano’y nagkokolekta ng revolutionary tax sa mga ordinaryong residente kung saan sa isinagawang pagresponde ng mga sundalo nakasagupa nito ang humigit kumulang 30 armadong mga rebelde.
Sa kasalukuyan inaalam pa ng sundalo ang pagkakilanlan ng namatay ng NPA. Narekober ng mga sundalo ang isang (1) machine gun, tatlong (3) M16 rifle,isang (1) M14 rifle,isang(1) granda at mga subersibong dokumento sa pinangyarihan ng sagupaan. Nagpapaabot naman ng pakikiramay si Maj. Gen. Manolito Orense, Commander 9ID sa kapamilya ng nasawing miyembro ng NPA. Muling nanawagan ang punong heneral sa mga rebeldeng NPA na ibaba na nito ang kanilang mga armas at magbalik loob na sa pamahalaan sa lalong madaling panahon upang hindi na humantong pa sa anumang madugong labanan. Aniya, nakahanda ang 9ID upang umalalay at magbigay tulong sa sinumang rebeldeng nagnanais ng bumalik sa normal na pamumuhay.
Ruel Saldico DZRH
for Camarines Norte News

