KONSEHAL ATOY MORENO, BIKTIMA NG IDENTITY THEFT! PIZZA HOUSE, INORDERAN NG MALAKING HALAGA NG PIZZA NG NAGPAKILALANG SI KONSEHAL ATOY!

atoy.m.608

Marso 10, 2017, Caet, Camarines Norte – Parehong biktima ng kawatan si Konsehal Atoy Moreno ng bayan ng Daet at isang Pizza Parlor dito sa bayan ng Daet matapos na magpakilalang si konsehal Moreno ang kawatan at nag order ng malaking halaga ng Pizza sa pamamagitan ng telepono.

Pebrero 23, 2017 pa nangyari ang insidente subalit niotng nakatalikod na sesyon, minarapat ni Konsehal Atoy Moreno na iparating sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Privilege speech ang pangyayari na pag gamit ng kanyang pangalan sa panloloko at panggagantso.

Mag aalas sais na ng gabi ng nasabing araw ng dumating sa kanilang bahay ang may ari ng Brankolei Pizza Parlor na Australlano at ang asawa nito na personal na nagdala ng umano’y order ni konsehal Moreno. Laking gulat ng konsehal dahil wala naman syang inorder na kahalintulad na pagkain.

brank608

Dahil sa natuklasang panloloko lamang ito, ipinablotter ng mag-asawa ang pangyayari at ipinamigay na lamang sa mga kapulisan ang inorder na Pizza.

Nabatid pa na hindi lamang Pizza na nagkakahala ng 1,712 pesos ang inorder ng kawatan, dahil nagpahabol pa umano ito ng dalawang 1.5 liters na softdrinks. Bukod pa sa softdrinks, nagpabili pa ng gamot sa hypertension ang suspek na nagkakahalaga naman ng 780 pesos at nagpaload sa kanyang telepono ng 600 pesos na halaga cellphone load.

Sa buong pag aakala na si Konsehal Atoy Moreno ang kanilang kausap, lahat ng iniutos at inorder ng suspek ay kanilang sinunod. Huli na ng matuklasan na ito ang isang modus.

Samantalang, sa kasabay ding araw, may ganito rin umanong pangyayari sa Mamita’s Pizza, gamit din ang pangalan ni Konsehal Moreno, gamit ang cellphone number na 09061253524 omorder din ito ng malaking halaga ng Pizza.

Sa City Hall pinadedeliver ang order kung kaya’t tila dito pa lamang ay nag duda na ang may ari ng Mamita’s Pizza dahil hindi naman ciudad ang Daet para tawagingt City Hall ang Munisipyo. Hiningian din nila ito ng ilan pang personal na detalye tungkol kay konsehal Moreno subalit napuputol ang linya nito, dahil dito mas lumakas ang kanilang hinala na bugos ang taong kausap nila, at dahil dito, hindi nila idiniliver ang order nito.

Subalit, kung hindi nakalusot sa Mamita’s Pizza ang modus ng kawatan, nadale naman ang kanilang Branch sa bayan ng Capalonga. Isang Konsehal Juego ang ginamit na pangalan ng mga kawatan at nakapag order ng limang kahon ng Pizza at nakapagpaload din ng halagang 650 pesos mula sa nasabing Pizza Parlor.

Magugunitang nitong mga nakatalikod na taon ay nangyayari na rin ang nasabing modus. Mismong mga Chief of Police sa ilang bayan ng Camarines Norte, kabilang ang mga kawani ng isang pamahalaang lokal na nahingian din ng cellphone load dahil sa pag papanggap bilang isang kilalang personalidad.

Dahil sa mga pangyayari, nanawagan si Konsehal Renato Atoy Moreno sa lahat ng mga establishimento na may kahalintulad delivery service na maging mapanuri sa lahat ng mga mag oorder sa kanila sa pamamagitan lamang ng telepono.

Mas makabubuti anilang i-counter check ang mga mag oorder sa kanila, upang hindi na maulit pa ang naturang modus.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *