ISANG DRUG PERSONALITY SA BAYAN NG SAN VICENTE, ARESTADO!

sv608


Marso 21, 2017, San Vicente, Camarines Norte – Arestado ang isang drug personality sa Brgy. San Jose, bayan ng San Vicente, Camarines Norte.


Kinilala ang naarestong si Alex “Kakoy” Duave y Sancho, 45 anyos, may asawa at residente ng San Juan Village, Purok 6 ng nasambit na barangay.

Arestado ang naturang suspek matapos ihain ang search warrant number D-18-2017 na inisyu noong Marso 13, 2017 ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court Branch 40, Daet, Camarines Norte bandang 7:15 ng umaga kahapon, Marso 20, 2017 ng personel ng San Vicente Municipal Police Station (MPS), kasama ang opisyal ng barangay at media representative sa tahanan nito sa nasabing barangay.

Nakumpiska mula dito ang dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang (1) kalibre 38 na baril na walang marka at serial number, walong (8) bala ng kalibre 38, isang (1) improvised kalibre 22 pistol at apat (4) na bala ng kalibre 22.

Nasa kustodiya na ng San Vicente MPS ang naarestong suspek at mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang disposisyon.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *