Marso, 21, 2017, Labo, Camarines Norte – Pormal ng sinimulan ngayong araw ang operasyon ng bagong Labo Central Terminal.
Epektibo na ngayong araw ang operasyon ng nasabing terminal na matatagpuan sa Purok 2, Barangay Masalong Labo, Camarines Norte.
Ayon kay Engr. Victor Zabala, sinimulan na ngayong araw ang dry run upang malaman pa ang ilang adjustment sa sistema ng terminal.
Ayon sa kanya, nagtalaga ng mga task force at mga gwardiya na magbabantay at gagabay sa mga sasakyan at pasaherong papasok ng terminal. Maging ang mga dating sakayan at babaan ng mga pasahero ay may itinalaga na rin upang magbigay paalala sa bagong sistema ng sakayan at babaan.
Hinikayat din nya ang publiko na makiisa at sumunod sa lahat ng mga patakaran na ipinatutupad sa loob at labas ng Labo Central Terminal.
Samantala pinulong din ngayong araw ang mga nagtitinda sa loob ng mga bus at pinagusapan ang kanilang magiging regulasyon kaugnay ng pagtitinda sa loob ng terminal.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
News details and photos courtesy of Dwlbfm Barkada

