MAGNANAKAW, SUMALAKAY SA ISANG PAARALANG ELEMENTARYA SA BAYAN NG LABO; ILANG KAGAMITAN, NATANGAY!

claudio608


Marso 23, 2017, Labo, Camarines Norte – Pinasok ng hindi pa nakikilalang kawatan/mga kawatan ang isang paaralang elementarya sa bayan ng Labo.


Ayon sa ulat na isinumite ng Daet Municipal Police Station (MPS), pinasok ang limang (5) silid-aralan ng Claudio Villagen Elementary School sa Brgy. Talobatib, Labo, Camarines Norte, sa pagitan ng 6:00 ng gabi kamakalawa,

Marso 21, hanggang 7:30 ng umaga kahapon, Marso 22.


Base sa pahayag ng mga guro sa nasabing paaralan, nadiskubre umano nila na nawawala ang ilang kagamitan na tinangay ng suspek/mga suspek na posible umanong umakyat at dumaan sa kisame ng unang silid at sinira ang padlock ng iba pang mga silid na pinagnakawan nito/ng mga ito.


Kabilang sa mga nanakaw na kagamitan ang isang (1) pulang speaker na nagkakahalaga ng Php 120.00, isang (1) puting portable projector na nagkakahalagang Php 4,000.00, isang itim na USB na nagkakahalaga ng Php 800.00, at isang (1) 32 inches Shanghong flat screen television kasama ang remote na nagkakahalagang Php 18,000.00.


Nagsasagawa na ang Labo MPS ng follow up investigation para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek/mga suspek
at pagkakahuli nito/ng mga ito, gayundin ang pagsauli sa mga ninakaw na gamit.


Nagpaalala naman ang kapulisan na mas paigtingin pa ang seguridad sa alinmang establishimento o mga tahanan upang maiwasan ang ganitong insidente.

Please read (Mga paalala upang maiwasang mabiktima ng akyat bahay):

https://www.facebook.com/Camnortenews/photos/a.624596224263280.1073741828.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Photo courtesy of Dwlb-fm Barkada 89.7mhz Fb page

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *