Marso 23, 2017, Daet, Camarines Norte – Umaabot sa humigit kumulang isang daang mga dating kawani Camarines Norte Water District na ngayon ay Prime Water ang umalma hinggil sa anila’y underpayment at illegal dismissal sa kanila ng nasabing kumpanya.
Kahapon, Marso 22, 2017, sumugod sa harapan ng PW-CNWD ang grupo ng Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) upang ipaabot ang kanilang protesta hinggil sa anila’y hindi makatarungang pagtrato sa nasabing mga manggagawa.
Ayun kay Efren Cas, lider ng BMP Camarines Norte, kailangang maibalik ang mga manggagawang tinanggal ng wala sa tamang proseso, samantalang kinakailangan ding maibigay ang benepisyong nararapat sa ilang mga napilitang magretiro dahil sa pagpasok ng pribadong pamunuan ng nasabing water utility service.
Kinahapunan matapos ang kilos protesta, tumungo sa tanggapan ng DOLE ang grupo ng mga nagpoprotesta, subalit hindi wala namang dumating na kinatawan ng PW-CNWD.
Samantalang, nabatid naman na nasa SMX Convention Center sa Mall of Asia Arena ang mga opisyal ng PW-CNWD kabilang ang mga board of directors para sa isang convention.
Ikinabigla ng mga ito ang nasabing kilos protesta na isinagawa ng mga kawani habang sila naman ay nasa labas ng lalawigan.
Magugunitang nito pang nakatalikod na taon ng palihim na nilagdaan ng mga opisyal ng CNWD at ng Prime Water ang Joint Venture Agreement (JVA) na tatagal ng dalawamput limang ( taon.
Dito nakasaad ang tuluyang pag take over ng Prime Water sa pamamahala at pawang hanggang monitoring na lamang ang naging papel ng CNWD kung sumusunod sa JVA ang Prime Water.
Kasunod na nito ang umano’t sapilitang pag avail ng early retirement ng ilang kawani at illegal na pagsibak naman sa ilan.
Buwan pa ng Hunyo ng nakatalikod na taon, nang magsampa ng reklamo sa Deparment of Labor and Employment (DOLE), ang umaabot sa dalawamput isang kawani sa reklamo ng underpayment and illegal dismissal. Sa ngayon umano ay nasa National Labor Relations Commission (NLRC) ang usapin at doon dinidinig ang usapin.
Camarines Norte News

