BM POL GACHE, NANINIWALA NA MAAYOS ANG PAMAMALAKAD NI PS BUCSIT SA CANORECO SA HARAP NG REKLAMO NG ILANG MGA KAWANI LABAN DITO! CANORECO BOARD, SISIMULAN NA RIN ANG IMBESTIGASYON SA REKLAMO!

canoreco608

Marso 24, 2017, Daet, Camarines Norte – Walang nakikitang malaking problema si Sangguniang Panlalawigan Public Utility Chairman Board Member Pol Gache sa pamamahala ni Project SupervisorActing General Manager Engr Wilfredo Bucsit sa Camarines Norte Electric Cooperative o CANORECO.

Ito ang naging pahayag ni Gache sa panayam ng Cool Radio News hinggil sa usapin matapos makarating sa kanyang kometiba ang reklamo ng ilang kawani ng CANORECO laban sa Project Supervisor.

Una nang isinampa ang reklamo sa National Electrification Administration (NEA), at matapos na mapagaralan ang reklamo, binigyan pagkakataon ng NEA si Engr. Bucsit na makapagpaliwanag bago muling ibinaba sa hunta derektiba ang usapin upang doon ay makapagsagawa ng pagiimbestiga at pag-aaral ang anim na reklamo laban sa Acting General Manager.

Kamakailan lamang, nagbigay na ng go signal ang NEA sa CANORECO Board na simulan na ang isang Full Blown Investigation hinggil dito ngayong buwan ng Abril.

Subalit hindi pa man lamang tuluyang nakapagsasagawa ng pagiimbestiga ang BOD, nito pang mga nakatalikod na mga araw, iniakyat na ng mga nagrereklamong kawani sa Sangguniang Panlalawigan ang usapin dahil umano sa alegasyon ng mga ito na Rubber Stamp ni PS Bucsit ang mga miyembro ng hunta derektiba kung kaya’t wala umanong aksyon na isinasagawa ang mga ito.

Samantala, sa panig ng Sangguniang Panlalawigan, sinabi ni Bokal Gache na sa kanyang personal na napag-aralan sa kaso, dalawa lamang sa anim na reklamo ang kanilang maaaring imbestigahan. Ito ay ang may kaugnayan lamang sa kapakanan ng mga miyembro konsumedores partikular ang usapin na makakaapekto sa bayarin ng mga at sa serbisyo ng kooperatiba sa mga miyembro nito.

Ang mga isyu higgil umano sa panloob na usapin o internal matters ng pamunuan at ng mga kawani ay kinakailangang resolbahin sa kanilang hanay mismo o sa Board of Directors hanggang sa NEA. Sa kanilang panig sa SP ay hindi na nila saklaw ito.

Lumalabas umano sa pag aaral ni Gache, sa loob ng lilmang taong panunungkulan ni Bucsit ay naging maganda naman ang pamamalakad nito, naabot din anya ng kooperatiba ang 1-digit-systems-loss na naging dahilan para umakyat sa Triple A category ang CANORECO sa kauna-unahang pagkakataon.

Sinabi din ni Gache na transparent din ang pamumuno ni Bucsit dahil sa tuwing nagkakaroon ng bidding sa mga proyekto o bibilhing kagamitan ay naiimbitahan naman ang ilang mga observers kabilang na ang SP representatives maging ang ilang miyembro ng media.

Marami anyang nakikitang pagbabago sa ngayon, bagamat sinabi ni Bokal Gache na marami pa rin ang dapat na isaayos sa serbisyo ng kooperatiba. Anya, sa isang mahigpit at istriktong pamunuan, natural lamang anyang marami ang masaktan o masagasaan.

Samantala, binabalak naman ngayon ni CANORECO Board President Engr Edwin Lamadrid na alamin kung ano ang naging batayan ni CLAUSE president Edmundo Galvez sa pagsabi ng mga itong Rubber Stamp ni PS Bucsit ang BOD.

Kamakailan lamang din, hinihingian ng BOD ng Letter of Authority si Galvez mula sa isang daan at walong (108) kawani kinakatawan nito sa nasabing reklamo, kung talagang alam ng lahat ng ito ang pagkakalagay ng kanilang mga pangalan bilang nagrereklamo.

Nabatid kase ng ilang miyembro ng board na mula sa tatlumpung (30) miyembro ng CLAUSE, labing lima (15) dito ang nagsumite ng kanilang letter of retraction o ang pagpapahayag na hindi sila kasali sa reklamo dahil hindi nila alam ang kabuuang laman nito. Nais lamang umano ng Board na matiyak na totoong alam ng mga lumagda sa reklamo ang laman nito.

Nabatid din umano na sa isang daan at walong (108) kawani, kabilang na ang rank and file na nakalagda sa sulat-reklamo laban sa naturang opisyall, tatlumput walo (38) na dito ang binawi ang kanilang pirma.

Sa ngayon, ayun sa mga Board of Directors, titiyakin nila na magiging patas sila at naka base lamang sa resulta ng kanilang pagiimbestiga ang kanilang magiging rekomendasyon hinggil dito. Ito ay sa kabila ng pag tawag sa kanila bilang mga rubber stamp ng isa mga nagrereklamo.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *