UMAABOT SA PHP 380,000 HALAGA NG PINAGHIHINALAANG DROGA, NASAMSAM SA BUY BUST OPERATION NG PDEA SA BAYAN NG DAET!

daet-608-new

Marso 27, 2017, Daet, Camarines Norte – Kalaboso ang isang 27 anyos na binata kasama ang isang 28 anyos na tricycle driver matapos positibong makunan ng bultu-bultong hinihinalang shabu sa buy bust operation na isinagawa sa Daet, Camarines Norte.

Umaabot sa dalwampung (20) bulto ng diumanoy shabu na may kabuuang market value na Php 380, 000.00 ang nasamsam ng mga operatiba ng PDEA- Camarines Norte mula sa mga nadakip na suspek.

Sa ipinaabot na impormasyon ng PDEA sa Brigada News, hapon kamakalawa, Marso 25 ng pumasok ang mga operatiba nila sa Room B2 ng Daet Travellers Gas Station Rest House sa purok 1, Brgy. Magang,Daet, Camarines Norte.

Bandang 6:30 hapon ding iyon, dumating naman ang mga suspek na sina Jay-ar Quila Y Jamito, 27 anyos, binata, residente ng Barangay Gahonon,Daet Camarines Norte at  Christian De Vela, 28 anyos, may-asawa at residente ng Barangay Camambugan ng parehong bayan at nakipagtransakyon sa mga hindi nila alam ay personel ng PDEA-Camarines Norte.

Hindi na nakapalag pa ang mga suspek ng arestuhin at positibong nakuha mula sa mga ito ang nasambit na halaga ng hinihinalang droga.

Nakuha rin mula sa operasyon ang isang (1) piraso ng isang libong piso  at mga ginupit na diyaryo na bahagi ng buy-bust money.

Nasa kustodiya na ng  PDEA ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa sa mga ito kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang mga suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *