FREE HIGHER EDUCATION FOR ALL ACT, SENTRO NG KATATAPOS NA #EDUCATIONGO: PROVINCIAL EDUCATION SUMMIT!

17353500_1193165957449041_3370586567655954121_n

Marso 30, 2017, Daet, Camarines Norte – Isinagawa nitong nakatalikod na Maso 27,2017 ang 1-araw na #EducationGo Provincial Eduation Summit sa Daet Heritage Center na nakatuon sa temang “The Change We Want: Genuine Education Reform Towards a Nationalist, Scientific, and Mass-Oriented Eduation”. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang pribado at pampublikong kolehiyo sa ating lalawigan gayundin ng ilang mga guro at iba pa.

jkjh

Naging sentrong usapin dito ang Free Higher Education for All Act — An Act Accelerating Universal Access to Tertiary Education by Providing tuition Subsidy and Financial Assistance to Students Enrolled in State Universities (SUCs), Private Higher Education Institutions (HEIs) and Technical-Vocational Institutions (TVIs) and Appropriating Funds Therefore.

Naging tagapagsalita sa pagtitipon si Alwayn Paloma mula sa Alliance of Concerned Teacher (ACT) Union – Camarines Norte at si Mark Quinto, ang Legislative Officer ng Kabataan Partylist na tumayong tagapagsalita ni Cong. Sarah Elago ng nasabing partylist.

Nagbigay din ng mensahe sa summit si Cyd Andaya,  convenor ng Kabataan Para sa Pagbabago. Binigyang-diin nito ang kahalagahan na maipaabot sa publiko ang mahalagang probisyon ng nasabing programang pang-edukasyon ng pamahalaang nasyonal. Idinagdag pa ni Andaya na karapatan ng bawat Pilipino ang makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo. Sinabi rin niya na ang edukasyon ang sagot sa lumalalang insidente ng kahirapan dahil mas maraming oportunidad ang naghihintay para sa mga indibidwal na may pinag-aralan.

17498393_1201984629900507_2210440463626410878_n

Matatandaan na sa 3rd reading at final reading ng Senado noong 13 Marso 2017, naaprobahan ang nasabing Free Higher Education for All Act na kaakibat ng P8.3-bilyong badyet ay nakapaloob na sa 2017 national budget. Makikinabang dito ang lahat ng mga Pilipino na kasalukiyang estudyante sa panahon ng pagka-apruba ng naturang batas, o kapagdaka’y papasok pa lamang sa alinmang kurso para makapagtapos ng Bacherlor’s Degree, Certificate Degree, o anumang katumbas na undergraduate degree  sa alinmang SUCs na labas sa tuition subsidy o kaya ay nagbigay ng donasyon sa paaralan.

Samantala, inisyal na mabebenepisyuhan ng full tuition subsidy ang mga kwalipikadong estudyante sa may 112 SUCs sa bansa na saklaw ng naturang programang pang-edukasyon.

Bilang karagdagan, hindi kwalipikadong mabigyan ng full tuition subsidy sa SUCs ang mga sumusunod:

1) mga indibidwal na nagtapos na ng bachelor’s degree o equivalent degree sa alinmang HEIs, pampubliko o pribado man;

2) mga estudyante na hindi natapos ang kanilang degree at/o non-degree programs sa loob ng isang taon pagkatapos ng takdang panahon para sa kanilang kurso, at

3) mga indibidwal na dishonorably discharged mula sa alinmang HEIs, pampubliko o pribado man, sa dahilan na bukod pa sa kahirapang pinansyal para magbayad ng tuition at iba pang bayarin.

17626170_1201984239900546_7089943883791755037_n
17553430_1201984743233829_6498149509080594400_n

Ang kauna-unahang Provincial Education Summit ay inorganisa ng Kabataan Para sa Pagbabago, isang alyansa ng mga progresibong grupo ng mga kabataan katuwang ang Provincial Youth Affairs Office.

Lorena Ibasco/Adabel Panotes

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *