PAGTATAPON NG MGA HAZARDOUS WASTE NG CNPH SA DUMPSITE NG MERCEDES, WALA UMANONG SANITARY PERMIT!

hazard608

Abril 3, 2017, Daet, Camarines Norte – Walang permit mula sa Department of Environment and Natural Resources ang pagtatapon ng mga hazardous waste ng CNPH sa dumpsite ng Mercedes ayon mismo kay Sanitary Inspector IV Benjie Palma ng Provincial Health Office.

Ayon sa opisyal, sa kasalukuyan ay nasa proseso pa lamang sila ng pagkuha ng permit sa nasambit na ahensiya.

Ang pagtatapon sa naturang dumpsite lamang umano ang nakikita nilang solusyon sa ngayon para sa kinakaharap na problema sa mga hazardous wastes katulad ng mga diaper, mga damit na may bahid ng dugo at iba pang katulad nito na dapat ay inihihiwalay sa mga karaniwang basura.

Siniguro naman ni Palma na nasa maayos na paraan ang pagtatapon ng mga ito kung saan ay inilalagay ang mga ito sa mga selyadong plastic bago itapon at agad na tinatabunan ng lupa matapos itapon upang maiwasan ang kontaminasyon at maiwasang malagay sa alanganin ang kalusugan ng mga taong malapit sa nasabing dumpsite.

Samantala, gumagawa na umano ng paraan ang pamahalaang panlalawigan na balak bumili ng makina para sa hazardous at medical waste treatment.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *