Abril 6, 2017, Labo, Camarines Norte – Nahaharap ngayon sa kasong attempted murder ang isang 58 anyos na lalaki sa Labo,Camarines Norte matapos arestuhin ng mga pinagsamang personel ng Criminal Investigation Group, Intelligence Division Regional Office 5, Camarines Norte Provincial Public Safety Company at Labo Municipal Police Station sa Purok 6, Brgy. Talobatib ng naturang bayan.
Bandang 8:00 kamakalawa, Abril 4, 2017 ng ihain sa suspek na si Carlito Villagen y Doe, 58 anyos, may asawa at residente ng parehong lugar, ang warrant of arrest para sa kasong attempted murder.
Ang naturang warrant of arrest ay ibinaba ni Acting Presiding Judge Hon. Roberto A. Escaro ng Regional Trial Court, Branch 64 ng bayan ng Labo noong Marso 31,2017 sa ilalim ng case number 17-3237.
May inirerekomenda ang korte na Php 120,000.00 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nasa kustodiya na ng Labo MPS si Villagen para sa kaukulang disposisyon.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

