MGA RESIDENTE NG 3 BARANGAY SA BAYAN NG BASUD, NAGPASALAMAT SA PAGTUNGO NG PROVINCIAL MULTISERVICES CARAVAN SA KANILANG LUGAR!

April6.1

Abril 6, 2017, Basud, Camarines Norte -Tatlong Barangay sa bayan ng Basud ang tinungo  ngayong araw at binigyang serbisyo ng nagpapatuloy na Multi-services Caravan ng kapitolyo sa pamumuno ni Gov. Egay Tallado.

Ang nasambit na mga barangay ang Brgy. Laniton, Caayunan at Pagsangahan sa bayan ng Basud.

Ibat ibang libreng serbisyo ang inihatid ng Caravan Team sa mga residente  tulad ng libreng gupit, libreng medical at dental check up at libreng bunot ng ngipin.

April6.2
april6.4

Namahagi rin ng mga pananim, reading glasses para sa mga nakatatanda, libreng gamot para sa mga may karamdaman at bitamina para sa mga kabataan.

april6.5

Hindi rin nawala ang patok at palaging pinipilahang libreng mga food packs.

april6.3

Labis naman ang pasasalamat ng mga residenteng nadalaw at naserbisyuhan ng Caravan lalung lalo na kay Gov. Tallado dahil tinutupad nito ang kaniyang pangakong ilalapit ang mga serbisyo ng kapitolyo sa kanila maging sila man ay nasa malalayong barangay.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *