PAGKAKAROON NG MGA LIFEGUARDS SA BAGASBAS BEACH AT IBA PANG RESORTS SA BAYAN NG DAET, TUTUTUKAN NG MDRRMO BILANG PAGHAHANDA SA PAGDAGSA NG MGA TURISTA SA HULING ARAW NG SEMANA SANTA!

lifeguard608

Abril 7,Daet, Camarines Norte – Tutukan ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang pagkakaroon ng lifeguards sa mga resorts at swimming facilities kasama na ang Bagasbas Beach sa bayan ng Daet na inaasahang dadagsain ng mga turista sa darating na Black Saturday at Easter Sunday.

Ayon sa panayam ng Cool Radio News Fm kay Mr. Santi Mella Jr. ng MDRRMO,simula bukas, Abril 8, hanggang sa susunod na linggo ay magsasagawa umano ng pagbisita at monitoring ang kanilang opisina katuwang ang Coastguard at iba pang safety officers sa mga resorts at pools sa downtown Daet partikular na sa mga may ari nito upang tiyakin na may nakatalagang lifeguard/s ang mga ito.

Ito ay base umano sa memorandum circular mula sa coastguard na nagsasaad na lahat ng mga resort na may swimming facilities ay obligadong magkaroon ng lifeguard hindi lamang tuwing peak season katulad ng padating na semana santa. Nakapaloob din umano sa ilalim ng tourism code ng pamahalaang lokal ang nasabing patakaran

Samantala,mas  paiigtingin naman ang pagbabantay ng mga lifeguards na nakatalaga sa lifeguard station sa Bagasbas Beach kung saan inaasahan ang pagtaas ng concentration ng mga tao sa mga huling araw ng semana santa na umanoy naooccupy ang halos tatlong (3) kilometrong haba ng baybayin.

Dagdag pa dito, patuloy pa rin ang Operation Sagip Buhay na isinasagawa ng mga grupong katuwang ng nasabing ahensiya. Sa mga nasabing araw ay pupunta rin sa nasabing beach ang mga personel na naka deploy sa downtown, diversion at iba pang area ng Daet upang matulungan ang response team ng LGU Daet at para na rin madagdagan ang puwersa na sisiguro sa kaligtasan ng mga turistang dadagsa dito.

Ang mga nasabing pagkilos at paghahanda ay bilang pagsiguro sa kaayusan at kaligtasan ng mga kababayan at mga turistang dadagsa sa mga nasambit na araw at upang maiwasan rin ang mga aksidente.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *