BATANG BABAE, NATAGPUANG WALA NG BUHAY SA BAYAN NG STA ELENA CAMARINES NORTE!

S.ELENA608

Abril 11, 2017, Sta. Elena, Camarines Norte – Natatabunan ng mga nilagharing kahoy at kusot  ng matagpuan ang bangkay ng isang batang babae kamakalawa ng hapon sa P-4, Brgy. Kagtalaba, bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Ayon sa impormasyong ipinaabot ni Chief of Police Senior Inspector Christopher Gonzales ng Sta Elena PNP sa Brigada News,wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng 11 anyos na batang babae na minabuting hindi ipaalam ang pagkakakilanlan habang umuusad ang imbestigasyon.

Dagdag pa dito, wala na umanong saplot ang ibabang bahagi ng katawan ng biktima ng matagpuan sa nasambit na lugar.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan sa krimen na sa ngayon ay blangko pa sa pagkakakilanlan ng suspek. Inaalam pa kung posibleng ginahasa ang biktima bago pinatay.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *