Abril 12, 2017, Daet Camarines Norte – Nararapat na tutukan ang sanidad sa mga food establishments at mga pagkaing inihahanda ng mga nito lalong lalo na sa mga pangunahing tourist destination sa lalawigan.
Ito ang naging apela ni Sanitary Inspector IV Benjie Palma sa mga sanitary inspectors sa ibat ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga turista dito ngayong Semana Santa at Summer Vacation.
Ito ay upang maiwasan umano ang food poisoning at iba pang sakit na maaaring makuha sa mga mishandled food products.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga sanitary inspectors at isa sa mga tinalakay ay ang nasabimbit na usapin.
Umapela rin si Palma na sana ay naaayon sa batas ang pag iissue ng Sanitary Permit sa mga lokal na pamahalaan at huwag pairalin ang “kakilala system” sa pagbibigay nito sa mga aplikante.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

