TRADISYUNAL NA PAGSASADULA NG PAGHUHUGAS NI JESUS SA PAA NG 12 APOSTOLES TUWING HUWEBES SANTO, ISASAGAWA NG 12 ALKALDE NG LALAWIGAN NG CAMNORTE AT ARCHBISHOP-ELECT GILBERT GARCERA!

cathedral608

Abril 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Sa kauna unahang pagkakataon ay ang 12 alkalde ng lalawigan ng Camarines Norte ang huhugasan ng paa ni Archbishop-elect Gilbert Garcera sa gaganaping misa ng huling hapunan sa Holy Trinity Cathedral bukas, Huwebes Santo.

Tradisyunal nang isinasagawa ang paghuhugas tuwing huwebes santo bilang pag-alala sa ginawa ng Panginoon sa huling hapunan bago ito pinahirapan at ipinako sa krus. Ito ay sumisimbolo sa mga moral na gawaing dapat umanong ginagawa ng bawat isa tulad ng pagpapakumbaba, pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa.

Sa pahayag ni Fr. Mandi Orido Chairman ng Commission on Mass Media and Social Communications ng Diocese of Daet sa Brigada News, papalitan umano ng 12 alkalde ng lalawigan ang tradisyunal na 12 apostoles na hinuhugasan ng paa sa naturang seremonya.

Dagdag pa ni Fr. Orido, tila umano sinadya ang bilang ng mga alkalde na 12 ayon sa banal na kasulatan.

Matatandaang nitong nakatalikod na Pebrero lamang ay itinalaga ni Pope Francis  bilang bagong Archbishop ng Lipa si Garcera kaya’t ang nasabing seremonya na  rin umano ang pagkakataon upang makasama ito ng mga mga alkalde sa huling pagkakataon bago ito lumipat sa Archdiocese ng Lipa.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *