DIOCESE OF DAET, IDEDEKLARANG “SEDE VACANTE” SA PAG ALIS NI BISHOP GARCERA!

diocese608

Abril 17, 2017, Daet, Camarines Norte – Idedeklarang “Sede Vacante” ang Diocese of Daet kaugnay ng pag alis ni Bishop Gilbert Garcera na pinangalanan kamakailan ni Pope Francis  bilang bagong Arsobispo ng Lipa City, Batangas.

Ipinaliwanag ni ngayon ay Archbishop-elect Garcera sa kaniyang homily sa chrism mass noong Huwebes Santo na sa kaniyang pag- upo sa “Cathedra” ng Lipa sa Abril 21 ng taong kasalukuyan ay idedeklarang “Sede Vacante” ang Diocese of Daet.o walang nakaupong Obispo habang wala pang itinatalaga ang Vatican.

Tatagal umano ng ilang buwan o taon sa ganitong sitwasyon ang naturang Diocese.

Samantala, pagkatapos umano ng kanyang installation sa Archdiocese of Lipa, habang wala pang nakaupong Obispo sa Diocese of Daet, magpupulong ang board of consultors na binubuo ng 5 kaparian upang pumili ng gagawing Diocesan Administrator.

Pagkatapos na makapili ang board of consultors ay ipapadala nito ang acta o report sa Roma sa pamamagitan ng Apostolic Nunciature sa Pilipinas upang kumpirmahin ang pangalan ng hihiranging diocesan administrator.

Inaasahang tatagal ng hindi bababa sa isang linggo bago ilabas ng vatican ang anunsiyo.

Pansamantala namang pinamamahalaan ni  Fr. Ronald Anthony Timoner ang nasambit na Diocese habang wala pang napipiling Diocesan Administrator.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Details courtesy of Ronald Molina of Brigada News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *