Abril 24, 2017, Daet, Camarines Norte – Tampok sa pagdiriwang ng 97th Founding Anniversary ng lalawigan ng Camarines Norte at 13th Bantayog Festival ang anim (6) na festivals ng ibat ibang bayan ng probinsiya na naglaban laban sa Grand Festival Parade at Street Dancing Competition kamakalawa, Abril 22, araw ng sabado.
Ang mga contingents na lumahok ay ang:
Contingent No. 1 – Pabirik Festival ng bayan ng Paracale
Contingent No. 2 – Palayog Festival ng bayan ng Sta. Elena
Contingent No. 3 – Pinyasan Festival ng bayan ng Daet
Contingent No. 4 – Tacboan Festival ng bayan ng Vinzons
Contingent No. 6 – Busig-on Festival ng bayan ng Labo
Contingent No. 7 – Paruyan Festival ng bayan ng Talisay
Kani-kaniyang pasikat ang mga contingents na pumarada sa kahabaan ng Vinzons Avenue sa bayan ng Daet habang sumasayaw sa saliw ng kani kanilang tugtugin at suot ang makukulay nilang festival costumes.
Nagtapos ang street dance competition sa Agro Sports Center kung saan sumalang ang mga contingents sa final presentation sa harap ng mga judges at libu libong mga manunuod. Dito ay ipinakita nila ang kabuhayan, kultura at kasaysayan ng bayan na kanilang inirerepresent sa pamamagitan ng pagsayaw. Bawat sayaw ay may kwento at binigyang buhay ng mga bitbit nilang props.
Sa huli, hinirang bilang kampiyon sa nasambit ng kumpetisyon ang Paruyan Festival ng Gonzales Ascutia High School,bayan ng Talisay at nagkamit ng grand prize na Php 200,000.00. 1st runner up naman ang Pinyasan Festival ng Daet Pinyasan Dancers at nagkamit ng cash prize na Php 150,000.00 habang 2nd runner up naman ang Pabirik Festival ng Paracale National High School na nagkamit ng cash prize na Php 100, 000.00.
Nakuha naman ng mga sumusunod ang iba pang parangal sa kumpetisyon na:
Best in Moving Choreography – Pinyasan Festival ng bayan ng Daet
Best in Costume – Pabirik Festival ng bayan ng Paracale
Binigyang parangal din ang mga natatanging Hiyas ng Bantayog o mga Festival Queens:
Hiyas ng Bantayog 3rd place – Pabirik Festival ( Php 4,000.00 cash prize)
Hiyas ng Bantayog 2nd place – Pinyasan Festival ( Php 6,000.00 cash prize )
Hiyas ng Bantayog 3rd place – Paruyan Festival ( Php 10,000.00 cash prize )
Highlight ng Bantayog Festival ang nasambit na kumpetisyon na taun-taong dinarayo ng mga lokal na mamamayan, mga dayuhan at turista mula sa ibang probinsiya. Ito rin ang tinaguriang Festival of the Festivals sa lalawigan ng Camarines Norte.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Photos Courtesy of Come to Cam Norte

