DALAWANG DIUMANOY TULAK NG DROGA, ARESTADO SA MAGKASUNOD NA BUY BUST OPERATION SA BAYAN NG DAET!

drug608

Abril 26, 2017, Daet, Camarines Norte – Dalawang magkasunod na buy bust operation ang isinagawa kahapon, Abril 25, 2017, na nagresulta sa pagka aresto sa dalawang (2) diumanoy tulak ng droga sa Daet, Camarines Norte.

Bandang 4:40 ng hapon unang naaresto ng mga personel ng Camarines Norte Provincial Intelligence Branch, Daet Municipal Police Station at Philippine Drug Enforcement Authority sa isang buy bust operation  sa Purok 1, Brgy. IV, Daet, Camarines Norte si Aiza Miranda, 21 anyos, may kinakasama, at residente ng naturang barangay.

Nakuha mula kay Miranda ang apat (4) na maliliit na heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang Php 500.00 bill na ginamit na buy bust money.

Di kalaunan, bandang 6:00 naman ng gabi, isinagawa ng parehong mga operatiba ang isang buy bust operation sa harap ng BPI Bank sa Brgy. VI, Daet, Camarines Norte na nagresulta sa pagkadakip kay Henry Sacramento Guevarra, 49 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Mancruz sa parehong bayan.

Nakuha mula kay Guevarra ang dalawang (2) heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang (1) Php 500.00 bill na ginamit bilang buy bust money.

Nasa kustodiya nan g Daet MPS ang mga naarestong suspek at mga ebidensyang nakumpiska mula sa operasyon para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito para sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang mga suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *