Abril 26, 2017, Daet, Camarines Norte – Dead on the spot ang isang motorcycle rider matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang suspek sa Purok 1, Barangay Bibirao, Daet, Camarines Norte.
Kinilala ang biktimang si George Caesar Avila Ellorza alias “Tiktik”, 38 anyos, walanga asawa, walang trabaho , at residente ng Purok 5, Barangay Pamorangon ng parehong bayan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station (MPS), bandang 11:45 ng gabi nitong nakatalikod na Abril 20, 2017, habang nakasakay ang biktima sa pag aari nitong motorsiklo, bigla na lamang umano itong pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Nagtamo ang biktima ng 4 na tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan na naging dahilan ng agaran nitong pagkamatay.
Narekober ng grupo ng Scene Of the Crime Operatives ng Camarines Norte Crime Laboratory Office mula sa crime scene ang tatlong (3) basyo ng bala mula sa pinaghihinalaang kalibre .9mm, isang (1) unit ng KYMCO motorcycle na may plate number EA-60609 at iba pang pag aari ng biktima.
Nagsasagawa na ng follow up investigation ang Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadakip dito.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

