SERVICE VEHICLE NG DALAWANG SALES PERSON, NINAKAWAN HABANG NAKA PARK SA HARAP NG ISANG TINDAHAN SA BAYAN NG DAET!

vinzonsav608

Abril 26, 2017, Daet, Camarines Norte – Habang abala sa pagdedeliver sa isang tindahan, tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang ilang kagamitan at pera ng dalawang salesperson na nasa loob ng nakaparada nilang service vehicle sa Vinzons Avenue, Brgy. V, Daet, Camarines Norte.

Sa imbestigasyon ng Daet Municipal Police Station, bandang 9:30 ng umaga nitong nakatalikod na April 22, 2017,  nagdeliver ng kanilang mga produkto sa Mercury Drug sa nasambit na lugar ang dalawang sales person ng Cafei Marketing Corporation na sina Domingo Brosula y Esturas, 28 anyos, may asawa,  residente ng Purok 2, Brgy. Camambugan ng parehong bayan at Nicky Llaneta y Cornelio, 26 anyos, dalaga at residente ng  Purok 4, Brgy Dagang, Paracale,Camarines Norte.

Nang bumalik umano ang mga biktima sa kanilang service vehicle na  nakaparada sa gilid ng kalsada sa naturang lugar, nadiskubre na lamang ng mga ito na nawawala na ang isang (1) Asus cellular phone na nagkakahalaga ng Php 7,600.00 na pag aari ni Brosula; isang (1) black shoulder bag na naglalaman ng isa (1) ring ASUS cellular phone na may parehong halaga, isang (1) itim na wallet na naglalaman ng Php1,700.00 cashcompany ID, TIN ID, Driver’s License at isang coin purse na may lamang cash na nagkakahalagang Php200.00 na pag aari naman ni Llaneta.

Sinubukan pa umanong hanapin ng mga biktima ang suspek subalit bigo ang mga ito.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Daet MPS para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek at pagkadakip dito, gayundin din ang pagbalik sa mga ninakaw na pera at kagamitan.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *