MGA BARIL AT MGA BALA, NASAMSAM SA TAHANAN NG ISANG LALAKI SA JOSE PANGANIBAN CAM NORTE!

jpang608

Abril 28, 2017, Jose Panganiban, Camarines Norte – Kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions ang kinakaharap ngayon ng isang lalaki sa Jose Panganiban, Camarines Norte matapos masamsam mula sa tahanan nito ang ilang kalibre ng baril at mga bala nito.

Sa search operation na isinagawa kahapon ng  pinagsanib na  pwersa ng Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team, Jose Panganiban Municipal Police Station, Regional Intelligence Division 5, Camarines Norte Provincial Public Safety Companyat Camarines Norte Military Intelligence Group, nasamsam mula sa tahanan ni Joselito Padua Jr. ng Sitio Calogcog, Brgy. Luklukan Norte, Jose Panganiban ang ilang kalibre ng baril, bala, magazine at iba pa.

Kabilang sa mga nasamsam ang isang  .380 pistol, isang caliber .45 pistol, at 21 na bala ng naturang mga armas, magazine at iba pa.

Nasa kustodiya na ng Camarines Norte Criminal Investigation and Detection Team ang suspek at mga nakumpiskang armas habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note; Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *