BFAR, MAMAMAHAGI NG MGA LAMBAT SA MALILIIT NA MANGINGISDA SA BAYAN NG PARACALE!

bfar608

Mayo 11, 2017, Paracale, Camarines Norte – Hindi bababa sa 50 lambat ang nakatakdang ipamahagi ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga maliliit na mangingisda sa bayan ng Paracale.

Ito ang kinumpirma ng BFAR Provincial Office sa panayam ng Brigada News kanina.

Ang naturang pamamahagi ay isang programa umano ng  BFAR na naglalayong matulungan ang mga maliliit na mangingisda sa kanilang paghahanapbuhay at maturuan ang mga ito ng tamang pamamaraan sa paghuli ng isda upang maiwasan na rin umano na masangkot pa ang mga ito sa illegal fishing.

Nakatakdang ipamahagi ang mga nasambit na lambat ngayong darating na Mayo 26 sa mga piling beneficiaries na inidentify ng BFAR sa pamamagitan ng fisherfolks organization.

Isasabay ang pamamahagi sa ground breaking ceremony ng itatayong Community Fish Landing Center (CFLC) sa  bayan ng Paracale.

Kamakailan lang ay namahagi rin ng mga lambat ang naturang ahensiya sa mga mangingisda sa bayan ng Capalonga.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Details courtesy of Ronald Molina of Brigada News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *