MAHIGIT 1000 MANGGAGAWANG CAMNORTEÑO, INAASAHANG MAKIKIISA SA PAGKILOS NG KILUSANG PAG GAWA NGAYONG LABOR DAY!

may1608

Mayo 1, 2017, Daet, Camarines Norte – Inaasahang magtitipon ang mahigit 1000 manggagawa at ilang organisasyon mula sa ibat ibang bayan sa lalawigan ng Camarines Norte para makiisa sa pagkilos ng kilusang pag gawa ngayong araw, Labor Day.

Ayon sa panayam ng Cool Radio kay Ms. Cris Asis,Provincial Coordinator ng Gabriela Camarines Norte, ang nasambit na pagkilos ang pinakamalaking pagkilos ngayong taon ng kilusang pag gawa sa lalawigan kung saan dito umano nasusukat kung gaano na ang inaabot ng lakas ng kilusang pag gawa lalo na at patuloy umano itong inaatake ng sistemang pulitika kung saan napagsasamantalahan umano ang mga manggagawa.

Ngayong araw ay inaasahang magsisimula ang pagtitipon mula 9:00 hanggang 10:00 ng umaga sa Jalgalado Terminal at tutungo sa Elevated Plaza para sa pormal na programang isasagawa mula 12:00 ng tanghali hanggang 4:00 ng hapon.

Pangunahing bitbit ng sangka-manggagawaan sa naturang pagkilos sa lalawigan ng Camarines Norte maging sa buong Pilipinas ang panawagan para sa Php 750.00 na pambansang minimum wage kada araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at Php 16,000.00 kada buwan para sa mga kawani ng gobyerno at ang tuluyan ng pagwawakas sa endo.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *