SUSPEK SA ISANG INSIDENTE NG PANANAKSAK SA BASUD CAMNORTE, BOLUNTARYONG SUMUKO!

basud-map-608

Mayo 6, 2017, Basud, Camarines Norte – Boluntaryong sumuko ang suspek sa isang insidente ng pananaksak sa Basud, Camarines Norte.

Kusang susmuko kay Brgy. Kagawad Arnel Abad ng Brgy. Caayunan, bayan ng Basud si Erwin Peñaflor y Gadil, 36 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Purok 5 ng nabanggit na barangay, suspek sa pananaksak sa nakababatang kapatid nito na si Ernie Peñaflor y Gadil, 34anyos, may asawa, magsasaka at residente din ng parehong barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Basud MPS, lumabas na bandang 9:30 ng umaga kamakalawa, Mayo 4, 2017, habang nasa loob ng sariling tahanan ang suspek, dumating umanong lasing ang biktima at hinamon ng suntukan ang suspek na nakakatatanda nitong kapatid na dati na umano nitong nakaalitan.

Hindi umano ito agad na pinansin ng suspek subalit nang nakatayo na umano sa harap ng bintana ng bahay ng suspek ang biktima, doon na ito makailang beses na sinaksak ng suspek sa mukha gamit ang isang allen wrench dahilan para magtamo ng injury sa mata ang biktima.

Matapos sumuko ay naiturnover na ang suspek sa rumespondeng personel ng Basud MPS para sa kaukulang disposisyon.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *