Mayo 10, 2017, Labo, Camarines Norte – Arestado ang isang lalaki sa Labo, Camarines Norte para sa kasong frustrated murder.
Inaresto ng personel ng Labo Municipal Police Station (MPS) si Erwin Maganda y Praxides, 33 anyos, binata, magsasaka at residente ng Purok 6, Brgy Dumagmang, Labo, Camarines Norte.
Inihain kay Maganda ang warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Setyembre 26, 2014 ni Judge Robert A. Escaro ng Regional Trial Court, Branch 64,Labo, Camarines Norte para sa kasong Frustrated Murder, sa ilalim ng criminal case number 2014-2629.
May inirerekomendang Php 24,000.00 na piyansa ag korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Nasa kustodiya na ng nasambit na MPS ang suspek para sa kaukulang disposisyon.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

