Mayo 15, 2017, Daet, Camarines Norte – Narekober na ng pulisya at mga kaanak ng biktima ang ilan pang kagamitan ni Sarah Mae Cabatingan nang tumungo ito at napatay sa bayan ng Daet.
Nabatid na mismong ang suspek na si Cezar Sullivan ang umamin ng makaharap nito ang tiyuhin ng biktima sa pagtungo ng huli sa piitan.
Sa simbahan sa bayan ng Labo iniwan ang ilang kagamitan ni Sarah Mae subalit wala dito ang mga mahahalagang dokumento na maaari sanang gamitin ng mga kaanak sa pag claim ng mga benepisyo nito bilang isang OFW.
Narekober pa ng mga awtoridad ang ilang gamit subalit wala na ang mahahalagang dokumento at maging ang malaking halaga na pera na sinasabing dala ng biktima mula sa pinag tatrabahuhan nito sa Saudi Arabia bilang OFW.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa tiyahin ng biktima na si Venus De Los Reyes, sinabi nito nakontak na nya ang employer ni Sarah Mae at sinabing may dalang pera si Sarah sa pag uwi sa Pilipinas na nagkakahalaga ng katumbas ng anim na buwang sahod, na ipinadala dito ng mismong employer para sa pampagamot ng anak nitong may sakit.
Naniniwala ang mga kaanak na napunta sa suspek ang pera dahil hindi na ito natagpuan pa ng mga rumespondeng pulis sa crime scene.
Rodel M. Llovit/Charlotte Marco
Camarines Norte News

