GONZALES ASCUTIA HIGH SCHOOL DRUM AND LYRE CORPS SA BAYAN NG TALISAY, ITINANGHAL NA KAMPIYON SA 5TH NATIONAL DLC COMPETITION SA BACOOR CAVITE!

gahs608

Mayo 16, 2017, Daet, Camarines Norte – Wagi ang Gonzales Ascutia High School Drum and Lyre Corps na itinanghal bilang Grand Champion sa katatapos lamang na 5th National DLC Competion ng Philippine Drum and Lyre Associates Inc. sa Bacoor, Cavite.

Tinalo ng pambato mula sa Brgy. Sta. Cruz, Talisay ang 22 contingents mula pa sa ibat ibang rehiyon sa bansa sa nasambit na kumpetisyon na ginanap nitong nakatalikod na Mayo 13, 2017 sa Bacoor, Cavite.

Nagkamit ang naturang delegasyon ng trophy, medal para sa bawat isang miyembro ng grupo at cash prize na Php 15,000.00.

Matatandaang gumawa na rin ng pangalan ang GAHS nitong nakatalikod na Bantayog Festival 2017 bilang kampiyon sa Street Dancing Competition at DLC Competition, secondary level.

gahs1

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Details and photos courtesy of Ricky Pera 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *