ISANG SENIOR CITIZEN SA BAYAN NG SAN LORENZO RUIZ, ARESTADO SA KASONG ACTS OF LASCIVIOUSNESS O PANGHAHALAY!

arrest.temp650

Mayo 17, 2017, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte – Arestado ng mga personel ng San Lorenzo Ruiz Municipal Police Station (MPS) at Camarines Norte Provincial Public Safety Company ang isang senior citizen sa bayan ng San Lorenzo Ruiz na may kinakaharap na kaso ng diumanoy panghahalay .

Kinilala ang naarestong si Salvador Molar y Musa, 77 anyos, residente ng Purok 2, Brgy. Matacong, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Inaresto si Molar bandang 6:30 ng umaga kamakalawa, Mayo 15, sa tahanan nito sa nasambit na lugar sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba nitong nakatalikod na Mayo 8, 2017 ni Judge Evan D. Dizon ng Regional Trial Court, Branch 40 ng Daet, Camarines Norte para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) sa ilalim ng criminal case no. 18142.

May inirerekomenda ang korte na Php 80,000.00 na halaga ng piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *