Mayo 21, 2017, Daet, Camarines Norte – Sa layunin na maging bahagi din ng paghahanda ng Department of Education ang Pamahalaang Panlalawigan ng Hilagang Kamarines sa ilalim ng liderato ni Governor Egay Angeles Tallado ay sumabay sa Brigada Eskwela 2017 ang kapitolyo sa binansagan na Brigada Eskwela Caravan 2017.
Layon nito na kasabay ng paghahanda sa mga paaralang pampubliko sa pagbubukas ng school year 2017-2018 ay makatulong ang Pamahalaang Panlalawigan. Ang nasabing Brigada Eskwela Caravan ng kapitolyo ay tumagal ng isang linggo (Mayo 15-19) na kung saan ay may kabuuan na 15 mga public schools ang pinuntahan nina Governor Egay Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel kasama ang masipag na si Admin Alvin Tallado na nasa puso na rin ang magsilbi sa kapwa Camnorteño.
Lubos na nagpasalamat ang Moreno Integrated School sa pamamagitan ni Principal Susan Salcedo kasabay ng hirit sa gobernador na sana umano sa susunod na taon ng 2018 ay kasama pa rin ang kapitolyo sa paghahanda ng kanilang paaralan.
Pinuri din ng principal ang malawak na serbisyo ng gobernador kahit ito ay sa malayong lugar.
Sa speech ni Gov Egay Tallado, sinabi nito na sa susunod na taon ay asahan na ng mga taga Moreno Integrated School na matatapos na ang kanilang covered court.
Labis at taos puso rin na nagbigay ng pahayag a principal ng San Felipe National High School na si Melecia Mendoza sa suporta ng pamahalaang panlalawigan sa kanilang paaralan.
Naniniwala ang Gobernadaor na sa kanyang patuloy na paninilbihan sa mga Camnortenyo at pagsisikap na paularin ang probinsiya ay darating ang panahon na ganap na matatamasa ang tunay na pag asenso dahil ang lahat ng tao ay nagkakaisa sa isa lamang na mithiin.
Isa rin sa pangako ng gobernador na hanggang may Tallado sa kapitolyo ay makaaasa ang taong bayan ng serbisyong totoo, serbisyong garantisado, APRUB KA EGAY!
Camarines Norte News
From the Press Release of Camarines Norte Provincial Information Office/PIO Sherwin Mata

