DIOCESE OF DAET, KAISA SA PANAWAGAN NG CBCP NA IPAGDASAL ANG KAGULUHANG NAGAGANAP SA MARAWI CITY!

cathedral608

Mayo 24, 2017, Daet, Camarines Norte – Nananawagan ngayon ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng panalangain kaugnay ng kaguluhang nagaganap sa Marawi City bunsod ng pagsalakay ng teroristang grupo na Maute.

Sa kalatas na inilabas ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, nakakabahala umano ang patuloy na paghahasik ng gulo sa ibat ibang bahagi ng mundo ng mga teroristang grupo na ISIS.

Positibong tinugunan ang panawagan  ng Diocese of Daet kung saan sa pamamagitan ng facebook post na #PRAYFORMARAWI ay hinimok ni Diocesan Commission on Mass Media and Social Communications Director Fr. Mandi Orido ang lahat na ipagdasal ang naturang lungsod sa kinakaharap na kaguluhan simula pa kahapon.

Hangand umano ng CBCP na mawakasan na ang kaguluhang nagaganap sa tulong ng gobyerno.

Magugunitang 10:00 kagabi ay isinailalim na ni President Rodrigo Duterte sa martial law ang buong Mindanao upang matutukan ang seguridad ng lugar at mawakasan na ang nagaganap na kaguluhan.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Details courtesy of Ronald Molina of Brigada News Fm Daet

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *