ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS CAMARINES NORTE, MARIING KINONDENA ANG PAGSASAILALIM SA MINDANAO SA MARTIAL LAW NI PANGULONG DUTERTE!

act608

Mayo 25, 2017, Daet, Camarines Norte – Nagbigay ng pahayag ang  Alliance of Concerned Teachers (ACT) tungkol sa pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao nkamakalawa, araw ng Martes na mariin nilang tinutulan.

Narito ang kanilang pahayag:

Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) Camarines Norte ay mahigpit ang pag kondena at pagtutol sa deklarasyon ng Martial Law ni Pangulong Duterte sa Mindanao sa mga sumusunod na dahilan:

  1. Hindi ito sagot sa pangunahing problema sa Mindanao, kahirapan, korapsyon, kawalan ng hustisya at walang paggalang sa paniniwala ng iba, ito rin ang problema ng buong bansa, tutol po kami sa anumang terorismo pero ang Martial Law ay mas masahol pa sa terorismo.
  2. Gagamitin lang ito ng ilang buwayang pulitiko para sa kanilang personal na interes.
  3. Wala pa ngang Martial Law grabe na ang pinatay sa giyera sa droga, ilang libong buhay pa kaya ang aagawin ng Martial Law, hindi na kapani paniwala ang sabi ni Digong na walang abuso sa kanyang Martial Law.
  4. Maaring maka apekto ito sa ginagawang usapan sa pagitan ng gobyerno at NDF at pwedeng maka apekto rin sa binabalak na pakikipag usap sa mga Muslim secessionist groupsNO TO MARTIAL LAW!!!

Camarines Norte News

Details courtesy of Alwayn Paloma, Chairperson, ACT Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *