Mayo 25, 2017 , Mercedes, Camarines Norte – Sa kauna unanahang pagkakataon ay gaganapin sa Apuao Pequeña sa bayan ng Mercedes ang First Bicol Hammock Festival ngayong darating na Mayo 27-28, 2017.
Maliban sa highlight na pagseset-up ng mga hanging beds o hammock, may nakahanda ring ibat ibang aktibidad ang organizer at LGU Mercedes sa pamamagitan naman ng Municipal Tourism Office tulad ng hiking, snorkeling at swimming.
Layunin ng naturang festival na maimulat sa lahat ang kahalagahan ng kalikasan at tamang pangangalaga dito.
Sa panayam ng Brigada News Daet kay Mayor Alexander Lo Pajarillo ng bayan ng Mercedes, isang malaking karangalan umano ang mapili ng organizer na pagdausan ng nasambit na festival ang kanilang bayan sa dami ng iba pang magagandang lugar sa rehiyon.
Makakatulong umano ito sa pagpapayabong ng turismo ng kanilang bayan.
Kaugnay nito, tiniyak ng alkalde na all set na ang kanilang paghahanda para sa nasabing festival. Tiniyak rin nito na magiging prayoridad ang seguridad ng mga participants na dadalo sa pamamagitan ng Mercedes PNP.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Details courtesy of Ronald Molina of Brigada News Fm Daet

