Mayo 28, 2017, Labo, Camarines Norte – Nilamon ng apoy ang limang (5) silid aralan habang bahagyang naapektuhan naman ang library sa sunog na sumiklab sa Camarines Norte State College (CNSC) Labo Campus sa Barangay Talobatib, Labo Camarines Norte.
Nagsimula ang naturang sunog dakong 5:30 kahapon, araw ng sabado. Sinubukan pa diumanong apulahin ang apoy gamit ang fire extinguishers sa paaralan subalit mabilis na kumalat ang apoy dahil na rin sa mga gamit na nasa loob ng mga silid katulad ng mga papel at mga libro.
Rumisponde sa nasabing sunog ang Bureau of Fire Protection (BFP) –Labo na nagsasagawa na ngayong araw ng imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng naturang sunog.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Details courtesy of Kabalikat Bikol Labo Chapter

