Mayo 29, 2017, Labo, Camarines Norte – Umaabot sa isang (1) milyong piso ang pinsalang dulot ng sunog na sumiklab kamakailan sa CNSC Labo Campus sa Brgy. Talobatib, bayan ng Labo ayon sa BFP.
Kabilang sa mga napinsala ng naturang sunog na umabot sa second alarm ang limang (5) classrooms at ang opisina ng College Student Council samantalang bahagyang napinsala ang library na inabot ng usok dahilan para matuklap ang kisame dito.
Nabatid na luma na ang mga nasunog na silid na nagsilbi pang high school building bago ito nalipat sa Camarines Norte State College noong taong 1992.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga kinauukulan ukol sa naging sanhi ng sunog samantalang siniguro naman ng pamunuan ng paaralan na may sapat na bakanteng classrooms para sa halos 400 na mag aaral na inaasahang mag eenrol ngayong semester at papasok sa pagbubukas ng klase ngayong darating na Hunyo 13 ng taong kasalukuyan.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News
Photos courtesy of Kabalikat Bikol-Labo Chapter

