MGA KURYADOR NG STL, UMAPELA SA FINANCIER AT PCSO NA TAASAN ANG KANILANG KOMISYON! SB DAET AT SP, NAGPAHAYAG NG SUPORTA!

stemm6081

Mayo 31, 2017, Daet, Camarines Norte – Nasa Hot Water ngayon ang kabubukas pa lamang na Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na magpahayag ng reklamo ang ilang mga Sales Supervisors “Kabo” at “ Sales Agents “koryador” ng nasabing 2-Number game ng PCSO.

Nitong nakatalikod na Lunes, sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Daet, ipinatawag ang mga kinatawan ng STEMM Gaming Corporationfinancier ng STL sa Camarines Norte na kinakatawan ni Ginoong Senen Guevarra at ang Financial Manager ng PCSO Camarines Norte na si Ginang Estrella Abasolo may kaugnayan sa ilang reklamo ng mga Sales Agents ng nasabing sugal.

Personal na tumungo sa himpilan ng Cool Radio News ang isang nagpakilalang Sales Supervisor o “Kabo” na si Ginoong Bacho kilala sa tawag na “I Love You Mama” upang ipahayag ang kanilang sentimiyento hinggil sa biglang pagbaba ng kanilang komisyon mula sa kanilang mga pataya.

Aniya, sa simula ay ipinangako sa kanila ang labing walo (18%) hanggang dalawampung (20%) porsientong komisyon sa kanilang mga koleksyon subalit makalipas ang dalawang linggo ay ibinaba na ito sa walong (8%) porsiyento na lamang. Walang pagkakaiba sa Virtual Game na dating nag operate dito sa lalawigan.

Masama din ang loob ni Ginoong Bacho dahil sa ipinakitang pagkakahati-hati ng kikitain na simula sa barangay, municipal, hanggang sa provincial government ay hindi sila nakasama sa listahan, gayung sila ang nagbubuhay sa nasabing pasugalan.

Samantala, kinuwestyon naman ng Sangguniang Bayan ng Daet ang anila’y mga nakikitang paglabag sa kasunduan o panuntunan ng PCSO ng STEMM Gaming Corporation sa operasyon ng nasabing sugal.

Isa sa umano’y paglabag ay ang premyo ng mga nananalong mananaya, na nakasdaad sa panuntunan ang walong daang piso premyo sa bawat pisong taya, subalit umaabot lamang sa anim na raang piso ang ibinibigay sa nanalo dahil sa mismong premyo na ibinabawas ang komisyon para sa sales agent ng nanalong mananaya.

Sinabi ni Konsehal Sherwin Asis, tila hindi ito patas sa mga mananaya o tagapag tangkilik ng STL dahil maliwanag naman na milyon milyon ang kinikita ng STL Operation sa buong lalawigan sa kada buwan.

Kinuwestyon din ang kawalan ng ID at uniporme ng mga Sales Agents at Sales Supervisors na nakasaad din umano sa panuntunan.

Maging ang kawalan ng “lastilyas” na may tatak ng PCSO na nagsisilbing resibo ay sinilip din ng Sangguniang Bayan ng Daet.

Rason umano ni Ginoong Senen Guevarra ng STL ay naubos na ito at hindi pa nakakapag imprenta.

Pahayag naman ni PCSO Provincial Manager Mrs. Estrella Abasolo, ang nasabing mga paglabag o violations ay maaaring maging dahilan para kanselahin nila ang permit ng STEMMM Gaming kung hindi ito maisasaayos ssa lalong madaling panahon. Anya, isang taon na sasailalim sa obserbasyon ang STL at kung may makikitang mga paglabag ang operator nito ay tuluyan na itong kakanselahin.

Samantala, suhestyon naman ni Konsehal Marlon Bandelaria na gawin nang regular na empleyado ng STEMMM ang kanilang mga Sales Sepervisors at Sales Agents upang mabigyan na ito ng karapat dapat na sweldo kapalit ng kanilang pagtatrabaho para sa kumpaya. Ito ay kung talagang sinsero ang STEMM sa sinasabi nitong tulong sa dagdag na employment sa lalawigan.

Samantala, kanina sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, inimbitahn din ng naturang hunta ang mga kinatawan ng STEMMM at PCSO. Katulad ng mga naging tema ng Sanggunaign Bayan ng Daet, ganito din ang naging punto ng mga miyembro ng SP na mabigyan ng maayos na proteksyon at benepisyo ang mga nagtatrabaho sa nasabing STL.

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *