CAMARINES NORTE STATE COLLEGE, NAKAPAG TALA NG MGA BAGONG BOARD PASSERS SA 2017 CPA LICENSURE EXAMINATION PASSERS!

cnsc608

Hunyo 1, 2017, Daet, Camarines Norte – May mga bagong Certified Public Accountants (CPA) na produkto ang Camarines Norte State College mula sa hanay ng kanilang mga nagsipagtapos sa 5 year course na Accountancy.

Sa impormasyon na ipinaabot sa Radyo ng Bayan Camarines Norte ang CNSC ay nakapagtala umano ng passing rate na 76.47% (First Timer 83.33%) o National Passing Rate na 35>14% (First Timer 34.02%)

Kabilang sa mga lumusot sa May 2017 CPA Licensure Examination Passers ay sina:

  • Alba, Arianne Cortez
  • Alipio, Delsie May Orpiada
  • Anunciacion, Rosebelle Rojo
  • Delgado, Kathere Mae Salayon
  • Herico, Rodmel Asis
  • Pacis, Michelle Espena
  • Percil, Uner
  • Rada, Mary Nor Ubana
  • Raneses, Mark Anthony Manaog
  • Senes, Pelsen Asug
  • Sta Rosa, John Albert Laviste
  • Taupo, Mechelle Andaya
  • Villamar, Rose Ann Sacriz

Kaugnay ng isa pang milestone para sa CNSC ay nagpapatuloy ang suporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa liderato ni Gov Egay Angeles Tallado na mas pang mapataas ang kalidad ng kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kinakailangang kagamitan mula noon hanggang ngayon.

Habang ipinahayag naman ni CNSC President Dr Rusty Abanto ay ang kanyang pagbati sa mga bagong CPA at sa mga guro na nagbigay ng dunong sa mga estudyante na ngayon ay tatahakin na ang panibagong yugto ng kanilang buhay.

Umaasa rin ang opisyal na mas mapapataas pa nila ang kalidad ng edukasyon ng paaralan sa pakikipag tulungan ng iba pang stake holders at ng Pamahalaan Panlalalawigan sa Camarines Norte.

Camarines Norte News

From the Press Release of Camarines Norte Provincial Information Office/PIO Sherwin Mata

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *