45 ANYOS NA LALAKI SA BAYAN NG DAET, ARESTADO SA DIUMANOY PAGLABAG SA R.A 9165 O COMPREHENSIVE DANGEROUS DRUGS ACT OF 2002!

drug608

Hunyo 6, 2017, Daet, Camarines Norte – Arestado ang isang 45 anyos na lalaki sa bayan ng Daet sa paglabag sa Section 11 & 12 of Art II of R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kinilala ang suspek na si Fidel Basco Santiago a.k.a “Buboy”, 45 anyos, binata at residente ng Purok 7, Brgy. V, Daet, Camarines Norte.

Sa bisa ng Search Warrant no. D-55-2017 na ibinaba ni Hon. Evan D DizonExecutive Judge of RTC Branch 38, Daet, Camarines Norte nitong nakatalikod na Mayo 31, 2017, inaresto si Santiago ng pinagsamang pwersa ng PIB, CNPPO at Daet MPS sa koordinasyon ng PDEA Regional Office V kahapon, Hunyo 5, dakong 12:30 ng hapon sa nasambit na lugar.

Nakuha mula sa suspek ang isang (1) kulay gray na USANA plastic container na naglalaman ng anim (6) na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Nasa kustodiya na ng Daet MPS ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Violation of Section 11 & 12 of Art II of R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) habang naiturn over na sa PNP Crime Laboratory Office ang nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang eksaminasyon.

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

*Note: Ang pahayagang ito ay naniniwala na nananatiling inosente ang suspek hanggat hindi napapatunayang may sala ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *