Hunyo 6, 2017, Mercedes, Camarines Norte – Nagsagawa ng “Bisita Eskwela” ang mga personel ng Camarines Norte Police Provncial Office sa pagbubukas ng klase kahapon, Mayo 5, sa Tagongtong Elementary School sa Brgy Tagongtong, Mercedes, Camarines Norte.
Nagtungo sa nasambit na paaralan ang mga personel ng CNPPO na pumila rin at nakilahok sa flag ceremony ng mga mag aaral at nakiisa sa pag awit ng Lupang Hinirang at pagbigkas ng Panatang Makabayan.
Sa ganitong pamamaraan nagiging mabuting halimbawa at huwaran ang mga kapulisan sa mga kabataan bilang mga mabuting mamamayan na pwede nilang tularan pagdating ng panahon.
Dagdag pa dito, nailalapit ang kapulisan sa mga kabataan bilang mga kakampi na maaaring lapitan at naipaparamdam sa mga ito ang seguridad.
Charlotte V. Marco
Camarines Norte News

