Hunyo 12, 2017, Daet, Camarines Norte – Matagumpay na isinagawa ang pagdiriwang ng ika 119th Independence Day sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw sa pamamagitan ng isang simple ngunit makabuluhang programa.
Ganap na ika pito ng umaga ngayong araw nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang banal na misa na sinundan ng flag raising ceremony na isinagawa sa harap ng kapitolyo ng Pamahalaang Panlalawigan at dinaluhan ng mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan sa 12 bayan ng lalawigan at Sangguniang Panlalawigan sa pamumuno ni Gov. Edgardo Tallado at Vice Gov. Jonah Pimentel.
Simple lamang ang programang isinagawa batay sa ginawang pagpupulong na dinaluhan ng mga representante ng bawat munisipalidad.
Tumayo bilang panauhing pandangal si Congresswoman Marisol “Toots” Panotes sa naturang programa.
Matapos ito, umusad naman socio civic and military parade na dinaluhan ng mga delegasyon mula sa ibat ibang ahensiya at departamento ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte.
Kasabay nito, jobs fair naman ang inilatag na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga taong di pa rin laya mula sa gapos ng kawalan ng mapapasukan o ang mga wala pa ring nakukuhang trabaho sa kasalukuyan.
Charlotte V. Marco/Orlando Encinares
Camarines Norte News
Photos courtesy of Reyjun Villamonte

