CAM NORTE CONSUMERS PROTECTION GROUP, TULOY ANG LABAN KONTRA JVA NG CNWD AT PRIMEWATER!

cpg608

Hunyo 18, 2017, Daet,  Camarines Norte – Muli ay ipinahayag ng Camarines Norte Consumers Protection Group ang kanilang pagtutol sa isinagawang joint venture agreement sa pagitan ng CNWD at Prime Water matapos dumalo ang mga ito sa en banc meeting na isinagawa sa Sangguniang Panlalawigan nitong nakatalikod na miyerkules, Hunyo 14, 2017.

Sa nasabing pulong, iginiit ni Konsehal Rosa Mia King, Presidente ng CN Consumers Protection Group ang ilang paglabag ng CNWD at Prime Water katulad ng hindi umano pagdaan sa public consultation ng naganap na JVA at ang pagpapataw ng VAT sa mga miyembro konsumidores.

Nakapaloob sa isang presentation ang lahat ng diumanoy paglabag na nakita ng grupo sa naganap na JVA subalit hindi na ito naipresenta pa ni Konsehal King dahil sa kakulangan sa oras.

Ayon naman kay Konsehal Marlon Bandelaria, bagaman mariing itinanggi ng legal counsel ng Prime Water ang mga diumanoy paglaba,  magpapatuloy pa rin umano ang pagkilos ng kanilang grupo na layuning mapawalang bisa ang JVA at ibalik sa pamamahala ng CNWD ang serbisyo ng patubig.pw

Charlotte V. Marco

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *